WASTONG PANGANGASIWA SA BASURA, IPINABATID SA MGA MANGANGALAKAL SA ALAMINOS CITY

Ipinabatid sa mga mangangalakal o waste pickers sa Alaminos City ang wastong pangangasiwa sa basura sa isinagawang Informal Waste Sector Compliance Forum na ginanap sa Engineered Sanitary Landfill ng lungsod.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapaunlad ang pamamalakad ng informal waste sector na may mahalagang papel sa pangongolekta at pamamahala ng basura mula sa mga barangay.

Sa talakayan, binigyang-diin ang tamang waste composition, mga alituntunin sa ligtas na pangangalap ng mga nakokolektang basura, at ang kahalagahan ng pagpapatupad ng sistematikong record system sa kanilang gawain.

Ayon sa Alaminos City Environment and Natural Resources Office, layunin ng programa na mapabuti ang solid waste management habang isinasaalang-alang ang kalusugan, kaligtasan, kapaligiran, at kabuhayan ng mga kabilang sa sektor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments