Siniguro ng Department of Science and Technology (DOST) Pangasinan ang accuracy ng sukat ng mga timbangang ginagamit sa mga barangay health center sa Alaminos City at Burgos matapos magsagawa ng dalawang araw na calibration service mula Enero 15 hanggang 16, 2026.
Ayon sa tanggapan, layon ng aktibidad na matiyak na tama at maaasahan ang sukat ng mga timbangan na ginagamit sa serbisyong pangkalusugan, partikular sa pagtitimbang ng mga sanggol, bata, at iba pang pasyente.
Sa isinagawang calibration, tinulungan ang 38 barangay at kabuuang 135 weighing scales na ginagamit sa kani-kanilang health facilities ang naisaayos.
Ipinaliwanag ng tanggapan na mahalaga ang regular na calibration upang maiwasan ang maling sukat na maaaring makaapekto sa pagsusuri ng kalagayang pangkalusugan ng mga pasyente, lalo na sa nutrisyon at growth monitoring.
Kaugnay nito, hinikayat ng ahensya ang lahat ng lokal na pamahalaan sa lalawigan na magsagawa ng taunang calibration ng kanilang mga weighing equipment alinsunod sa Republic Act No. 9236 o National Metrology Act of 2003, upang matiyak ang pagsunod sa pamantayan at kalidad ng serbisyo.










