WATCH: Bagyong ‘Tisoy’ nanalasa sa Bicol at Samar province

Courtesy SanAntonio DePadua GubatSorsogon

Simula pa nitong Lunes ramdam na sa Bicol Region at ilang parte ng Samar ang hagupit ng bagyong ‘Tisoy’.

Ayon sa state weather bureau na PAGASA, Si ‘Tisoy’ ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas ngayong taon.

Ibinahagi ng ilang netizens sa social media ang mga bidyo at retrato ng aktwal na pananalasa ng naturang bagyo sa kani-kanilang probinsiya.


Sa live video ni Facebook user SanAntonio DePadua GubatSorsogon, tila nagsasayaw na ang mga puno bunsod ng malakas na hangin at ulan.

Sa video footage ni Ron Hesita, mula sa Camarines Sur, maririnig ang hampas ng hangin na animo’y nangangalampag ng mga bahay at establisyimento.

Nakunan naman ng netizen na si Dys Castillo Vidal ang paglikas ng ilang residente sa Gamay, Northern Samar. Kita sa video na sama-samang naglalakad ang mga naninirahan doon habang bumubuhos ang matinding ulan.

Nakataas pa rin ang Signal No. 3 sa mga sumusunod na lalawigan:

  • Catanduanes
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Sorsogon
  • Camarines Norte
    Masbate including Ticao and Burias Islands
  • Romblon
  • Southern portion of Quezon (Perez, Alabat, Quezon, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Pitogo, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres)
  • Marinduque
  • Northern Samar
    Northern portion of Eastern Samar (Can-avid, Dolores, Maslog, Oras, Arteche, Jipapad, San Policarpio)
  • Northern portion of Samar (Catbalogan, Jiabong, Motiong, Paranas, San Jose de Buan, San Jorge, Pagsanghan, Tarangnan, Sta. Margarita, Gandara, Matuguinao, Calbayog, Tagapul-an, Almagro, Sto. Niño)
Facebook Comments