
Isang watch party ang idinaraos ngayon sa Maynila para sa Confirmation of Charges Hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte (FPRRD) sa International Criminal Court (ICC).
Kasamang nakaantabay ang pamilya ng ilang mga biktima ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Pinangunahan ni Fr. Flavie Villanueva, Founder at Presidente ng Arnold Janssen Kalinga Foundation Inc. at Program Paghilo ang watch party kung saan narito rin si Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.
Layon ng livestream na magbigay ng pagkakataon sa mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings na mas maintindihan ang legal proceedings.
Kaya naman nagsasagawarin ng diskusyon para maipaalam sa mga dumalo ang kahalagahan ng proseso ng confirmation of charges at ang implikasyon nito upang makamit ang hustisya at pananagutan.
Ayon kay Fr. Flavie, ang pag-aresto sa dating pangulo ay bahagi ng paghilom para sa mga sugat ng mga biktima.
Bagama’t hindi naman dadalo si Duterte sa hearing, umaasa sila na mapapanagot din ang mga co-perpetrators sa madugong kampanya kontra iligal na droga.










