Nababahala ang watchdog group na Pinoy Aksyon for Governance and the Environment O pinoy aksyon sa patuloy na pag-angkat ng pamahalaan ng mga imported na personal protective equipment o PPE partikular ang mula sa China gayung may kakayahan naman ang mga Pilipino na gawin ito.
Sinabi ni Pinoy Aksyon chairperson Bencyrus Ellorin na hindi sigurado ang pamahalaan kung ligtas ang mga inaangkat na PPE lalo na ang galing China kung saan nagmula ang COVID-19.
Hindi rin anya katanggap-tanggap na sabihin ng pamahalaan na huhupa lamang ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa sakaling maka-angkat na ng bakuna sa China.
Umapela rin ang grupo sa pamahlaaan na suportahan ang mga lokal na industriya sa bansa na may kakayahang gumawa ng PPE para magkaroon sila ng trabaho ngayong may quarantine.
Ayon pa kay Ellorin, kailangan ding suportahan ang mga dalubhasang Pilipino na may kakayahang makatuklas ng bakuna laban sa COVID-19.
Ito ay lalo nat mayaman pala ang Mt. Kitanglad sa Bukidnon na punongkahoy kung saan kinukuha ang hydroxychloroquine — na isa sa potential anti-COVID-19 drugs.
“Pwede naman sigurong tutukan ng gobyerno na tayo na ang gumawa ng personal protective equipment kaya naman natin para mabigyan ng trabaho yung mga nawalan dahil sa COVID instead na mag-dependent tayo sa China kasi galing na sa China yung covid ngayong sila naman ang makikinabang dahil sa COVID siguro pwede nating i reverse ang situation na magsariling sikap tayo kaya naman natin ang PPEs kaya natin yung testing kit kesa sa made in China.”
Ang Pinoy Aksyon ay isa sa mga watchdog group na binubuo ng mga concerned citizen na nagbabantay sa lipunan laban sa korapsyon.