Watchdog, ibinunyag ang mga kumpanya na nagkorner sa anila’y “fat COVID-19 medical supply contracts”

Ikinaalarma ng isang independent advocacy group at think-tank —ang anila’y mga balita na pagbraso ng ilang suppliers sa transaksiyon para sa pagbili ng polymerase chain reaction (PCR) testing machines and kits maging ang bulto ng personal protective equipment (PPE).

Dahil dito, nanawagan ngayon ang Pinoy Aksyon ng “transparency” sa pagtaas umano ng Government spending sa mga naturang Medical supplies sa gitna ng giyera ng pamahalaan laban sa pandemya na dulot ng COVID-19.

At para umano mapabilis ang proseso sa pagbili ng mga nabanggit na Medical supplies at COVID-19 equipment ay isinagawa ito ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).


Sabi ng convenor ng grupo na si
Ben Cyrus G. Ellorin, “Malaking halaga ang inilaan ng gobyerno para sa mga medical equipment at supplies para labanan ang COVID-19. That’s why we have to make sure that every single centavo is accounted for and that the money was spent on the right things. Kaya kailangan rin talagang kilalanin ang suppliers na sumali sa bidding.”

‘CORNERED’ CONTRACTS

Nagbabala ang Pinoy Aksyon na dahil multibillion-peso ang pondo na inilaaan laban sa COVID-19, ay may mga tao na nagsasamantala sa krisis na kinahaharap ngayon ng publiko para sa personal na mga intereses,
“We are not making any accusations, but I think we all know that the government’s procurement process could easily be exploited by corrupt people,” sabi ni Ellorin. “This is why we have to demand access to all the papers documenting the purchases of the government. Then, we have to validate what is written on these documents.”

Iginiit ng Pinoy Aksyon na masilip ang pagkakakilanlan ng suppliers — lalo na iyong napagbigyan ng mahigit sa isang kontrata.

Ipinunto ni Ellorin ang kaso ng Taiwan-based Pharmally Pharmaceutical Corporation, na aniya’y napagkalooban ng hindi bababa sa tatlong kontrata. Ang isang kontrata pa lamang ay nagkakahalaga na ng P54 million (Contract No. PS-CP-MDC-20-03-06) para sa 2.4 million piraso ng surgical masks (disposable, ear loop, 3-ply, wired) with each one priced at P22.50.

Ang dalawang iba pang kontrata na nai-award din sa Pharmally ay para naman sa PCR kits. Ang mga sumusunod ay ang detalye ng mga iyon:

Contract No. PS-CP-20-03-15
This contract has 8,000 PCR kits (BGI brand) — with each kit costing P75,000. The total price of the contract was P600 million.

Contract No. PS-CP-20-03-16
This contract has 2,000 PCR kits (A*Star Fortitude brand) — with each kit costing P344,000. The total price of the contract was P688 million.

Nagtatanong ang Pinoy Aksyon kung bakit napakalaki ng deperensiya sa pagitan ng unit price ng A*Star Fortitude kits kumpara sa BGI kits.

Samantala, ang sumusunod naman ay ang detalye ng kontrata na in-award sa Pacific Field (Hong Kong) Ltd.

Contract No. PS-CP-MDC-20-03-14
This contract has 4,167 PCR kits (Sansure brand) — with each kit costing around P35,157. The total price of the contract was over P146.4 million.

Sa gitna ng mga pagkakaiba ng mga naturang presyo, iginiit ni Ellorin asserted, “Hindi natin alam kung bakit sobrang layo ng mga presyo ng mga test kits. This is something that needs a closer look. Siguraduhin natin na hindi nadaya ang gobyerno rito. Hindi naman pwedeng basta-basta na lang natin tanggapin ang mga presyo na yan. They need to be justified.”

POSSIBLE IRREGULARITIES

Ang isa pa sa isyu na kinukuwestiyon ng Pinoy Aksyon ay ang pagbili ng PS-DBM ng mga supplies para sa proyekto sa St. Luke’s Medical Center (SLMC). Sabi ni Ellorin, “SLMC is a privately owned hospital. Why is the government buying supplies for it? Clearly, an explanation is needed.”

Nagulumihanan din ang grupo sa pagbili naman ng one million PPEs mula sa Xuzhou Machinery, isang kumpanya na nakabase sa China. “We checked the company’s website and saw that it was selling heavy machinery,” pahayag pa ni Ellorin. “We have to find out why the DBM decided to buy PPEs from this company.”

May mas marami pa aniyang mga transaksiyon ang kailangang imbestigahan, “Kailangan talaga may magtanong kung saan napupunta ang pera ng taong bayan. We cannot let this pandemic turn into an outbreak of corruption”, saad pa ni Ellorin.

DUE DILIGENCE NEEDED

Iminungkahi ni Ellorin na magsagawa ang gobyerno ng imbestigasyon at siyasatin sa pamamagitan ng pag -audit sa COVID-19 purchases para mahimah ang sandamakmak na purchases — na ang karamihan ay kinailangan ang agarang delivery.

“Legitimate suppliers with solid reputations have nothing to fear,” sabi ni Ellorin. “Each contract costs anywhere from hundreds of thousands to millions. It’s only right for the government to carefully consider each transaction.”

As such, the government must make sure that the equipment and supplies are being offered at fair prices. The quality of their products also have to be tested. “We know that several countries such as Canada and the UK have returned equipment and medical supplies that are substandard or defective. We have to make sure that we don’t end up getting equipment and supplies that we can’t use,” pahayag pa ni Ellorin.

Kailangan aniyang tiyakin ng gobyerno na ang mga medical equipment and supplies ay nai-deliver sa takdang oras at tamang bilang. Higit sa lahat ay bantayan ng mga kinauukulang ahensiya ang proper distribution ng mga naturang Medical supplies.

Facebook Comments