Inanunsyo ng National Water Resources Board na madaragdagan na ang alokasyon ng tubig para sa domestic use sa Metro Manila.
Ito ang tiniyak ni NWRB Executive director Sevillo David Jr. matapos bumalik na sa normal ang operating level ang Angat dam.
Sa pinakahuling update ng PAG-ASA hydrology division, umakyat na sa 180.07 meters ang level ng Angat.
Sinabi ni David na bunga na ito ng tuloy-tuloy na mga pag-uulan.
Magugunita na nagbawas ng alokasyon ng tubig sa mga customer sa Metro Manila ang mga water concessionaire dahil sa pagsadsad sa critical level ng Angat dam dulot na rin ng El Niño.
Inihayag din ni David na sa September 1, inaasahang ibabalik na rin ang suplay ng tubig para sa mga irigasyon.
Facebook Comments