Ipaprayoridad ng El Niño Task Force (ENTF) ang water at food security.
Nabatid na inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Malacañang ang full reactivation ng entf sa pangangasiwaan ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ayon kay NEDA Secretary Ernesto Pernia – dahil may kinakaharap na isyu ang bansa pagdating sa supply ng tubig, mas tutuunan ito kaysa sa energy security.
Aniya, handa ang NEDA na manguna sa hakbang para maibsan ang epekto ng El Niño.
Una nang inihayag ng DOST-PAGASA na ikinukunsiderang weak ang nararanasang El Niño ngayong taon, kumpara sa 2015-2016 phenomenon.
Facebook Comments