Water availability issues sa panahon ng tag-init, pinaghahandaan na ng ilang water concessionaire

Pinaghahandaan na rin ng ilang water concessionaires ang epekto ng dry season upang matiyak na may tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa kanilang mga service area.

BBagama’t wala na ang banta ng El Niño ngayon, naglatag na ng summer mitigation plan ang Manila Water upang matugunan ang potensyal na water availablability issue, lalo pa’t may epekto pa rin ang global warming sa water sources.

Batay sa data ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga lalawigan na sineserbisyuhan ng naturang water company, gaya ng Batangas, Laguna, Isabela, Aklan, Cebu, Samar, at Davao del Norte ay makararanas ng dry spells at droughts.


Simula noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng epekto ng El Ñiño, naghanda na ito ng mga inisyatibo.

Kabilang dito ang pagtukoy at rehabilitasyon ng mga deepwell at surface water source, pressure management recovery at preventive maintenance ng mga pasilidad.

Sa mga kritikal na sitwasyon, ang kompanya ay lumikha ng mga countermeasure tulad ng pag-deploy ng mga tangke ng tubig, pagdaragdag ng supply ng tubig sa pamamagitan ng pag-install ng mga static tank at mga linya ng network ng interconnectivity, pagpapatakbo ng standby deepwells at in-line boosters, at pag-optimize ng backwash recovery program sa mga water treatment plant.

Facebook Comments