
Magandang balita para sa mga low-income beneficiairies ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) dahil sa water bill discounts ng mga miyembro ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH).
Kasunod na rin ito ng pagpirma ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Social Housing Finance Corporation (SHFC), at attach agency ng DHSUD, ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO).
Layon ng naturang partnership na mai-enroll ang mga SHFC beneficiaries sa Enhanced Lifeline Program (ELP), isang government-supported initiative na magbibigay ng discounted water rates sa mga eligible low-income consumers.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, malinaw ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos sa Expanded 4PH na hindi lamang pabahay ang hatid kundi maginhawang buhay sa mga beneficiaries at matatag na komunidad.









