Manila, Philippines – Sa harap ng nararanasang water shortage sa Metro Manila, hinamon ng grupong Water for All Movement ang bagong talagang chairman ng MWSS na si retired Army General Ricardo Morales na magsagawa ng independent investigation sa mga nasingil ng Maynilad at Manila Water sa mga water consumers.
Ito ay para sa mga ipinangakong new water source projects simula taong 2002.
Ayon kay RJ Javellana, convenor ng Water for All Movement, interes ng publiko ang nakataya rito kung kaya at dapat magkaroon ng independent audit kung saan napunta ang mga advance collections.
Kabilang sa mga new water source projects ay ang Wawa Dam 15 cubic meters, Angat reliability project at ang Laiban Dam.
Aniya, hindi sana dinaranas ngayon ang kakulangan ng supply ng tubig sa Kamaynilaan kung naganit ng wasto ang ilang bilyong nakolekta simula 2002.
Giit ni Javellana, dapat ipatupad ng bagong MWSS Chairman ang refund sa mga water consumers at sibakin ang regulatory chief.
Dapat ipatigil ang dagdag singil sa konsumo ng tubig water price hike.