WATER HYACINTH, GINAGAWANG HALAL ORGANIC FERTILIZER SA Maguindanao!

Ipinagmamalaki ng mga magsasakang sa bayan ng General SK Pendatun sa Maguindanao ang kanilang Halal Organic Fertilizer na gawa mula sa Water Hyacinth o pusaw kung saan ipinagbibili ito sa murang halaga.
Ang Badak Multi-Purpose Cooperative sa Barangay Bulod sa nabanggit na bayan ang gumagawa ng abono.
Taong 2015 ng nabiyayaan ang kanilang kooperatiba ng mga makinarya tulad ng hauler at shredder machine sa ilalim ng programang Bottom Up Budgeting o BUB. Sinundan umano ang mga ito ng decorticating machine mula sa Philippine Coconut Authority o PCA sa taong 2016.
Ang nasabing halal organic fertilizer mula sa pinaghalong water hyacinth, cocopeat at iba pang inoculant ay nagkakahalaga lamang ng Php4.00 kada kilo o Php200.00 kada sako na may 50 kilo.

Facebook Comments