Water interruption, extended – Manila Water

54

Extended nang tatlo pang oras ang nakatakdang water interruption sa mga customer ng Manila Water ngayong linggo.

Ayon sa Manila Water, magiging 10 oras nang mawawalan ng tubig mula alas-8 ng gabi sa Biyernes, May 24, hanggang alas-6 ng umaga sa Sabado, May 25, dahil umano sa komplikadong repair activities.

Narito ang mga apektadong lugar:


  • Alicia
  • Bagong Pag-asa
  • Central
  • Malaya
  • Pinyahan
  • Sikatuna Village
  • San Vicente
  • Teachers Village East
  • Teachers Village West
  • U.P. Village
  • Ramon Magsaysay
  • Santo Cristo
  • Old Capitol Site
  • Vasra
  • Project 6
  • Culiat
  • New Era
  • Bahay Toro
  • Tandang Sora
  • Pasong Tamo

Mahigit 20 barangay sa Quezon City ang makararananas ng water service interruption dahil sa paglilipat ng pangunahing pipelines sa Elliptical Road at North Avenue para magbigay daan sa konstruksyon ng MRT7.

Facebook Comments