Naglabas ng abiso ang Maynilad Water Services sa mga customer nito kaugnay sa ipatutupad na water service interruption sa Quezon City simula sa Lunes.
Ayon sa Maynilad, may isasagawa silang network maintenance sa mga apektadong lugar.
Mawawalan ng suplay ng tubig ang barangay Payatas, mula Agosto 7 ng gabi hanggang alas-5:00 umaga ng Agosto 8, kasama ang Barangay Sta. Lucia, Kaligayahan, Don Manuel, Doña Aurora, Sto. Domingo at Tatalon Mariblo sa susunod na araw.
Kasama rin na mawawalan ng tubig ang iba pang barangay hanggang August 14, kabilang ang barangay Bahay Toro, Tandang Sora, Sta. Teresita, San Isidro Labrador, Nova Proper, Nagkaisang Nayon, Sto. Niño, San Isidro Galas, San Bartolome at Barangay Bagbag.
Samantala, dagdag pa ng Maynilad na apektado rin dito ang marami pang barangay sa mga lungsod ng Caloocan, Navotas, Valenzuela at ilang lugar sa Maynila.
Ngayon pa lang ay pinapayuhan na ang mga apektadong residente na mag-imbak ng tubig at humihingi na rin ang pamunuan ng water services sa lahat ng mga customer sa nasabing interruption.