Naniniwala si PBA party-list Rep. Jericho Nograles na maituturing lamang na kaso ng mismanagement ang kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.
Iginiit ni Nograles na tigilan na ng Manila Water ang pagsisi sa El niño phenomenon kaya nagkakaproblema sa suplay ng tubig.
Dapat aniyang magsabi ng totoo ang water company at hindi sinisisi ang kalikasan sa kanilang kapabayaan.
Simula noong 2016 ay sa La mesa dam na kumukuha ng suplay ng tubig ang Manila Water bunsod ng hindi pag-upgrade sa kanilang imprastraktura.
Panahon na aniya para gamitin ng kongreso ang oversight powers nito at i-review ang prangkisa ng Manila Water lalo’t kamakailan ay inakusahan ito na naniningil ng sewerage fees kahit na hindi naman gumagana.