Water level ng Angat Dam, bumaba na naman 38 Barangay sa Metro Manila

Nabawasan na naman ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ayon sa pagasa hydrology division  kaninang alas 6:00 ng umaga, bumaba sa 188.16 meters ang water level sa Angat mula sa 199.71 meters kahapon.

Bahagya namang nadagdagan ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam na ngayon ay nasa 68.49 meters na.


Nadagdagan din ng .01 meter ang water level sa Ipo Dam habang .21 meters ang nadagdag sa Magat Dam.

Samantala nasa 38 Barangay mula North Caloocan, Quezon City at North Valenzuela  na customer ng maynilad ang nakakaranas ngayon ng off-peak water service interruption o mula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng umaga.

Ayon kay Maynilad Corporate Communications Head Jennifer Rufo, posibleng ngayong linggo lang ito maranasan habang tinitiyak nilang nasa maayos ang antas ng tubig sa bagbag reservoir.

Facebook Comments