Hindi naging sapat ang tubig na dala ng mga pag-ulan para madagdagan ang lebel ng tubig ng Angat Dam.
Ito ay dahil sa lalupang bumaba ang water level ng Dam na pangunahing source ng tubig sa Metro Manila.
Batay sa huling monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, nabawasan pa ng .21 meters ang lebel ng tubig ng Angat Dam.
Paliwanag pa ng PAGASA, mula sa 179.28 meters na water elevation ay bumaba ito sa 178.07 meters kahapon.
Samantala, bahagya namang umangat ng 0.1 meters ang lebel ng tubig ng La Mesa Dam na nasa bahagi ng QC.
Facebook Comments