Water level ng Angat Dam, unti-unti nang umaakyat

Bumalik na sa 160.29 meters ang water level ng Angat Dam.

Sa nakalipas na 24-oras ay nadagdagan ng 0.44 meters ang water level ng Angat mula sa 159.85 meters na naitala kahapon.

Ang pagtaas ng tubig sa Angat ay dahil sa patuloy na mga pag-ulan bunsod ng masamang panahon.


Pero, nilinaw ni National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr., na sa kabila ng pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat, hindi pa rin ito sapat para ibalik sa 46 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa buong Metro Manila.

Paliwanag ni David, ang 160 meters ay nananatiling critical level at malayo sa minimum operation level na 180 meters.

Sa ngayon ay nananatili sa 36 cubic meters per second ang alokasyon sa Metro Manila habang suspendido pa rin ang patubig sa mga irigasyon sa ilang lugar sa Luzon.

Facebook Comments