Water level ng Laguna Lake, nanatili sa critical threshold kahit pa wala nang nararanasan na mga pag-ulan

Nananatili sa critical high treshold ang antas ng tubig sa Laguna Lake.

Ito’y sa kahit pa hindi na nararanasan ang mga malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at CALABARZON.

Ayon sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) naitala sa palibot ng lawa partikular na sa South Bay, Laguna ang 12.84 meters na lebel ng tubig habang 12.82 meters naman sa East Bay sa Lumban, Laguna.

Sa Central Bay naman sa Cardona, Rizal, naitala ang hanggang 12.84 meters na water level habang sa West Bay sa Muntinlupa City ay umabot sa 12.88 meters ang water level.

Patuloy naman na naka-monitor ang ahensya at binabantayan ang sitwasyon sa naturang lawa lalo na ang epekto nito sa mga residenteng nakatira sa mababang lugar.

Una itong itinaas sa naturang alerto noong July 24, 2025 matapos umabot sa 12.51 meters ang water level nito na aabutin pa ng buwan bago humupa.

Facebook Comments