Water level ng Marikina River, nananatiling normal sa kabila ng mga pag-ulan sa Metro Manila at karatig-lugar

Patuloy pa rin ang monitoring ng Marikina local government unit (LGU) sa Marikina River kahit nasa normal pa ang lebel ng tubig ng naturang ilog.

Ito ay dahil na rin sa mga pag-ulan na ang na epekto ng habagat maging ng low pressure area o LPA na papalapit sa kalupaan ng bansa.

Sa ngayon, nasa 12.6 meters ngayong umaga ang antas ng tubig sa naturang ilog.

Sa sandaling umabot sa 15 meter ang water level ay iniaakyat ang unang alarma.

Ikalawang alarma naman kapag umabot sa 16 meters ang water level at third alarm kapag nasa 18 meters na.

Sa sandaling umabot sa 18 meters ang water level ay dito na rin magpapatupad ng force evacuation ang LGU sa mga residenteng malapit sa ilog.

Facebook Comments