Water level ng Marikina River, patuloy ang pagbaba matapos itaas sa Alert Level 3 kagabi

Patuloy na ang pagbaba ng lebel ng Marikina River matapos itaas sa Alert Level 3 kagabi at nagpatupad ng force evacuation.

Umabot pa ang water level sa 18.7 meters na nagpabaha sa ilang lugar malapit sa Marikina River.

Sa ngayon, nasa 16.8 meters na lamang ang water level ng Marikina River at nasa ikalawang alarma.

Patuloy pa rin namang binabantayan ng mga awtoridad ang naturang ilog dahil sa posibilidad na pagtaas pa ng antas ng tubig dahil sa patuloy na pag-ulan.

Facebook Comments