Water level ng mga dam sa Luzon, bahagyang tumaas dahil sa mga pag-ulan

Bahagyang tumaas ang water level ng Angat Dam matapos ang walang tigil na pag-ulan sa Metro Manila kahapon.

Ayon sa PAGASA, tumaas ng 8sentimetro ang antas ng tubig sa Angat Dam na ngayon ay nasa 177.46 meters na.

Tumaas din ng 8 sentimetro ang water level sa La Mesa Dam.


Samantala, tumaas naman ng 3.18 meters antas ng tubig sa Ambuklao Dam at 1.23 meters ang San Roque Dam.

Tumaas din ng 42 centimeters ang Pantabangan Dam, 13 centimeter ang Magat Dam at 11 centimeters ang Kaliraya Dam.

Bumaba naman ng 28 centimeters ang Binga Dam.

Facebook Comments