Bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa Angat Dam bunsod ng mga pag-ulang dala ng bagyong “Dodong.”
Mula sa 178.02 meters na water level ng Angat noong Huwebes, umakyat ito sa 178.48 meters as of 6 A.M. kahapon.
Ayon kay PAGASA Hydro-Meteorology Division Chief Roy Badilla, aasahan ngayong weekend ang “weak” monsoon rains sa Angat watershed.
Sakali mang mapataas nito ang lebel ng tubig sa reservoir ay hindi naman ganoon kalaki.
Hindi kasi aniya sapat ang monsoon rains para mapataas ang tubig sa dam.
Kapag natapos na ang mga pag-ulan, asahang bababa ulit ang water level sa Angat.
Facebook Comments