Water level sa Angat Dam, bumaba na naman

Bumama na naman ang antas ng tubig sa Angat Dam ngayong araw.

Mula 180.74 meters na water level ng angat kahapon, bumaba ito sa 180.65 meters kaninang alas sais ng umaga.

Ito na ang ikalawang beses na bumaba ang lebel ng tubig sa Angat matapos ng ilang araw pagtaas nito bunsod ng Habagat at Bagyong Dodong.


Samantala, umaasa ang National Water Resources Board na muling madaragdagan ang lebel ng tubig sa Angat, Ipo at La Mesa Dams dahil sa bagyong Egay.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., nakadepende ang itatakdang alokasyon ng tubig sa mga kabahayan sa metro manila sa magiging dami ng pag-ulan sa mga susunod na araw.

Una nang sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS na posibleng ibalik sa Miyerkules o Huwebes ang daily water service interruptions ng Maynilad sa Metro Manila kapag nawala na ang mga pag-ulan.

Facebook Comments