Normal pa rin ang lebel ng tubig sa angat dam sa kabila ng inaasahang kawalan ng ulan hanggang hunyo.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo David Jr. , nasa 200.97 meters ang water level sa angat dam o halos 20 meters na mas mataas kumpara sa critical level na 180 meters.
Dahil dito, sapat aniya ang suplay ng tubig sa angat para matugunan ang pangangailangan ng mga taga-metro Manila gayundin ang irigasyon sa Bulacan at Pampanga.
Pero patuloy pa rin nila itong mino-monitor dahil sa posibleng pagbabago bunsod ng inaasahan pagtama ng El niño.
Sakaling bumaba pa ang lebel ng tubig sa angat dam ay posible na rin silang magbawas nga alokasyon para sa irigasyon at water supply sa mga kabahayan.
Facebook Comments