Water level sa Angat Dam, patuloy sa pagsadsad alokasyon ng tubig sa Metro Manila, babawasan na ng National Water Resources Board

Babawasan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila.

Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Kaninang umaga, sumadsad na sa 161.78 Meters ang water level sa Angat halos dalawang Metro na lang ang layo sa critical level na 60 Meters.


Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., mula 46 Cubic Meters per second, gagawin nilang 40 Cubic Meters per second ang alokasyon ng tubig para sa kamaynilaan.

Kaugnay nito, asahan na aniya ang pagkakaroon ng mga water interruptions.

Umapela naman si MWSS Administrator Reynaldo Velasco sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng tubig.

Makikipag-ugnayan din sila sa MMDA para pakiusapan ang mga Local Government Units na kontrolin ang mga carwash at iba pang kahalintulad na negosyo na i-manage ang kanilang water supply.

Sasabihan din ng MWSS ang Manila Water na pakiusapan ang San Juan City Hall na bawasan ang paggamit ng tubig para sa taunang Wattah Wattah Festival sa Lunes.

Facebook Comments