Patuloy na nababawasan ang antas ng tubig sa ilang pangunahing dam sa Luzon.
Ang Angat Dam na nagsusuplay ng 90% na kailangang tubig ng Metro Manila, bumaba sa 191.29 meters kahapon mula sa 191.73 meters na lebel nito noong linggo.
Mataas pa naman ito ng 11 metro mula sa minimum operating level na 180 meters.
Bumaba rin ang water level ng Ipo, La Mesa, Ambuklao at San Roque Dam.
Samantala, mas mababa na sa minimum operating level nito na 177 meters ang antas ng tubig sa Pantabangan Dam na kasalukuyang nasa 173.37.
Dahil sa drought, lumitaw na ang mas malaking bahagi pa ng Old Pantabangan Town sa Nueva Ecija.
Ilang dekada na ang nakalilipas nang lumubog sa tubig ang nasabing bayan mula nang itayo ang Pantabangan Dam noong 1977 ––– na isa sa pinakamalaking reservoir sa Southeast Asia.