Water level sa Marikina River, umakyat na sa 14.1 meters

Pumapalo ngayon sa 14.1 meters ang water level sa Marikina River.

Sa ngayon, nananatili pa naman sa normal ang water level nito.

Patuloy naman na mino-monitor ng Marikina Rescue 161 ang pagtaas ng antas ng tubig sa nasabing ilog.


Sa sandali naman na pumalo na sa 15 meters ang water level sa Marikina River, idedeklara na ang unang alarma sa ilog.

Sa ngayon, nananatiling malakas ang agos ng ilog kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan bunga ng Bagyong Carina.

Facebook Comments