Pinalakas pa ng Department of Interior and Local Government ang kanilang potable water supply projects sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ito’y sa kabila ng nararanasang water shortage sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ayon kay DILG Undersecretary for Local Government Marivel Sacendoncillo, sa ngayon mahigit sa 2 milyong kabahayan sa waterless communities sa buong bansa ang nabibiyayaan na ng patubig ng DILG.
Kabuuang 4,963 potable water supply projects ang natapos na ng DILG sa pamamagitan ng Office of Project Development Services Water Supply and Sanitation Project Management Office mula 2012.
Isa ang DILG sa 28 ahensiya na kabilang sa water sector na nagpapatupad sa pambanaang programa tulas ng Sagana at Ligtas na Tubig Para sa Lahat (SALINTUBIG), Bottom-up Budgeting (BuB) Water Supply, Assistance to Municipalities (AM) Water Supply, and Local Government Support Fund (LGSF) Water.