WATER REFILLING STATION SA SUAL, IPINASARA DAHIL SA ILEGAL NA OPERASYON

Agad iniutos ng lokal na pamahalaan ng Sual ang pagsasara ng ‘Mang Juan Water Station’ sa Brgy. Caoayan matapos matuklasan ang ilang paglabag sa mga umiiral na ordinansa.

Ayon sa impormasyon, patuloy ang operasyon ng establisyimento nang walang kaukulang business permit at hindi pagsunod sa sanitary orders.

Bukod sa paglabag sa Revenue Ordinance ng Sual, non-compliant din ang naturang establisyimento sa PD 522 at PD856 ng Code on Sanitation of the Philippines at maging sa RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act 2000.

Nag-isyu rin ng dalawang sanitary order ang Municipal Health Office noong Hulyo ngunit hindi pa rin natinag ang operasyon ng water station.

Itinuturing na ilegal ang operasyon nito matapos ipag-utos noon pang Agosto, ngunit nitong Martes lamang nang tuluyang ipaskil ang tarpaulin sa mismong establisyimento.

Facebook Comments