Water search and rescue personnel ng PNP, ipinakalat sa ilang rehiyon sa bansa na posibleng hagupitin ng Bagyong Betty

Naka-deploy na ang nasa 4,650 trained personnel ng Philippine National Police (PNP) Water Search and Rescue (WASAR) team at 7,371 trained personnel para sa Search and Rescue (SAR) kaugnay sa inaasahang paghagupit ng Bagyong Betty sa ilang rehiyon sa bansa.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., nagpakalat na rin sila ng iba’t ibang equipment tulad ng 8,806 life vest, 77 SAR boats, at 1,730 units SAR equipment vehicles na binubuo ng 1,496 personnel carriers, 234 units ng troop carrier at 625 portable electric generator sets.

Ani Acorda, ang mga ito ay partikular na ipapakalat sa Regions 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, MIMAROPA, at CALABARZON.


Una nang nagpakalat ang PNP ng 27,000 police disaster response personnel sa buong bansa upang umalalay sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at Local Government Units (LGUs) para sa mga isasagawang preemptive evacuation, rescue and relief operations.

Samantala, activated na rin ang Critical Incident Management Committee ng PNP para mahigpit na i-monitor, i-coordinate ang lahat ng efforts ng PNP units sa kanilang Sub-Committee on Natural Disasters, Critical Incident Monitoring Team at PNP Command Center.

Facebook Comments