Manila, Philippines – Magsasagawa ng pagdinig sa ika-19 ng Marso ang Senado hinggil sa kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto, dapat malaman kung ano ang naging problema at kung sino ang dapat managot sa kakapusan ng suplay ng tubig na nararanasan sa mga lugar na sakop ng Manila Waters.
Nanindigan si Sotto na dapat lamang na malaman ng publiko kung ano ang pananagutan ng mga water regulators sa kanilang mga consumers.
Naniniwala naman si Sotto na hindi dapat isisi sa El Niño ang problema lalo at dapat napaghandaan ang mga ganitong sitwasyon.
Facebook Comments