Water supply inventory, ipinag-utos ni PBBM sa gitna ng banta ng El Niño sa bansa

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang higit 500 water district sa bansa na mag-imbentaryo ng suplay ng tubig.

Ayon kay Local Water Utilities Administration (LWUA) Administrator Vicente Homer Revil, ang direktiba ng pangulo ay bahagi ng paghahanda laban sa epekto ng El Niño phenomenon.

Magsasagawa rin aniya sila ng information drive kaugnay sa mga hamon sa water supply.


Dagdag pa ni Revil na may nakahanda na rin silang water conservation measures.

Mahalaga rin aniyang magkaroon ng infrastructure projects bilang tugon sa matinding tagtuyot.

Samantala, tiniyak naman ni Revil na sa kasalukuyan ay sapat pa rin ang supply ng tubig sa bansa.

Facebook Comments