Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang supply ng tubig hanggang sa dumating ang tag-ulan.
Ito ay kasunod ng pagputol nito ng supply ng tubig para sa mga irigasyon.
Ayon kay NWRB Executive Director, Dr. Sevillo David Jr. – may mga ginagawa na silang mga hakbang upang hindi na maapektuhan ang supply ng tubig sa mga residente sa Metro Manila.
Aniya, ang mga contingency measure ay ipatutupad hanggang sa on-set ng rainy season.
Positibo rin ang NWRB na on-track ang Pilipinas sa 2020 sustainable development goals partikular ang pagsu-supply ng sapat at malinis na tubig sa bansa.
Inaasahang bababa pa ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa 171.74 meters sa Hunyo, malayo sa minimum operating water level.
Facebook Comments