WATER SUPPLY | Water elevation sa La Mesa Dam, bahagyang nadagdagan – La Mesa Headworks

Manila, Philippines – Kung magtuloy-tuloy pa ang pag ulan sa Luzon ng ilang araw, malaki ang posibilidad na madagdagan ang lumiliit na supply ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City.

Mula sa 70.14 meters na water elevation ng La Mesa Dam bago ang naranasang mga pag ulan sa nagdaang araw, nadagdagan pa ang supply ng tubig na umabot ng hanggang 70.51 meters kahapon.

Pero kaninang alas 7 ng umaga nabawasan na ito at nasa 70.49 meters na lang.


Ang kasalukuyang elevation ng tubig ay malayo pa rin sa normal level na 80.15 meters water elevation ng dam.

Samantala ang Angat dam naman, mula alas 12 ng hatinggabi nasa 188.11 meters ang water elevation nito mas mababa pa sa huling reading kahapon na 188.24 meters.

Ang Ipo Dam, as of 5 am kanina ang water elevation ngayon ay nasa 100.90 meters mula sa 101.6 meters kahapon ng umaga.

Gayunman, nilinaw ng La Mesa Headworks na bagaman at mababa pa ang water elevation sa Dam hindi ito nangangahulugan na may kakapusan na ng tubig sa Metro Manila.

Hindi rin sila nababahala dahil papalapit na ang panahon ng tag ulan.

Facebook Comments