WATER SYSTEM, PINAGTULUNGANG GINAWA SA BENITO SOLIVEN

Cauayan City, Isabela- Nagkaisa ang mga sundalo ng 95th Infantry Battalion, mga opisyal at residente ng Barangay Balliao Benito Soliven para magawa ang kanilang water system o patubig sa nasabing barangay.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay SSg Jake Lopez ng 502nd Infantry Liberator Brigade, manipestasyon aniya ito na matagumpay ang kanilang isinasagawang Community Support Program o CSP na layong maiparamdam at maipakita sa mamamayan na hindi sila pinapabayaan ng pamahalaan.

Samantala, pinasinayaan na ang Multi-Purpose Hall na pinagtulungang ipatayo ng 513 ECB sa pamumuno ni LtC Cresencio Mogado at 95 th IB sa pamumuno naman ni LtC Gladiuz C Calilan sa Barangay Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.


Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng local na pamahalaan ng San Mateo sa pamumuno ni Mayor Gregorio Alipio Pua na maigting na sinubaybayan ng PTCA Officer ng Juan P Juan Elementary School.

Una nang natapos ang iba pang mga proyekto sa naturang paaralan gaya ng covered stage at konkretong bakod ng nasabing paaralan.

Sinabi pa ng SSg Lopez, nagpapakita aniya ito ng maigting na pagtutulungan ng bawat isa katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang makagawa at makatulong para sa mga nangangailangang mamamayan.

Facebook Comments