Water transportation modes sa Ilog Pasig at Manila Bay, ipagbabawal sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos

Ipagbabawal ang lahat ng uri ng “water transportation modes” sa loob ng 3 nautical miles ng Ilog Pasig at Manila Bay sa June 30 o araw ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay dahil sa paiiralin ng Philippine Coast Guard (PCG) na “No Sail Zone.”

Nag-abiso na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Pasig River Ferry Service na nasabing sa araw ng inagurasyon na “No Sail Zone” sa ilang parte ng Ilog Pasig.


Partikular dito ang Pier 13, Muelle De San Francisco, Port Area sa Maynila, Manila Bridge, Ayala Bridge at Malacañang area.

Kaya magiging limitado ang operasyon ng Pasig River Ferry Service mula sa Pinagbuhatan Station hanggang sa Sta. Ana Station sa Huwebes.

Muli namang ipinaliwanag ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo na ang “No Sail Zone” ay parte ng seguridad para sa sa inagurasyon ng bagong presidente ng bansa.

Kailangan aniyang maging handa at alerto sa lahat ng aspeto ng katubigan, upang hindi malusutan ng anumang tangkang panggugulo.

Facebook Comments