Water treatment facilities, pinasinayaan sa bayan ng Sultan Kudarat!

Malaking kaluwagan para sa mamamayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao ang bagong tayong water treatment facilities sa kanilang lugar.
Kung dati ay kinakailangan pa nilang bumili ng bottled water para may maiinum na malinis na tubig at mag-imbak ng tubig na magagamit, sa pagkakataong ito ay may sapat at ligtas na inuming tubig na sila.
Ayon kay Mayor Shameem Mastura, malaking tulong ang peace and order sa kanilang bayan kaya na-engganyo ang Mactan Rock TVG Builders Corporation na maglagak ng puhunan.
Sa pamamagitan ng naturang pasilidad ay matutulungan ang Metro Cotabato Water District (MCWD) sa pagsu-suplay ng tubig sa concessionaires nito sa Cotabato city at mga karatig bayan sa Maguindanao partikular ang bayan ng Sultan Kudarat na madalas nakakaranas ng low water pressure.
Sinabi pa ni Mayor Mastura na manggagaling sa Simuay river ang tubig na ipi-purify ng water treatment facilities.
Ang siste ay bibilhin ng MCWD ang tubig mula sa nabanggit na kompanya na kayang mag-suplay ng 5,000 cubic meter na tubig kada araw.

Facebook Comments