Water utilities, pinababalik sa kontrol ng Gobyerno

Pinababalik sa Gobyerno ang pamamahala sa mga water utilities upang magkaroon ng maayos na serbisyo at maisaalang-alang ang public health at safety ng publiko.

 

Ang mungkahi ay bunsod na rin ng patuloy na kawalan ng maayos na serbisyo ng Manila Water at Maynilad at ang nakaambang na pagtaas sa singil sa tubig.

 

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, dapat na maibalik muli sa pamahalaan ang operation at maintenence ng waterworks system para matiyak na walang interrupted water supply sa mga kabahayan bilang ito ay napakaimportante para sa buhay ng mga tao.


 

Mula ng maging pribado ito, simula 1997 ay tumaas ang basic tariff sa P2.00 hanggang P4.00 sa P34.00 hanggang P47.00 nitong 2018.

 

Katumbas ito ng 970% na dagdag singil sa mga consumers ng Manila Water at 596% water rate increase sa mga kumukunsumo sa Maynilad.

 

Mula din ng pumasok sa concession agreement ang MWSS sa dalawang water concessionaires ay kasama na sa pinapapasan sa publiko ang 12% vat, 20% environmental charge at foreign currency exchange adjustment (FCDA).

 

 

Dahil dito, pinamamadali ni Zarate na ma-review ang kasunduan na ito ng mwss sa mga private companies gayundin ang pagbabalik kontrol ng gobyerno sa mga water utilities.

Facebook Comments