WATERLILIES SA KATUBIGAN SA MANGALDAN, NILINIS PARA SA MAAYOS NA DALOY NG TUBIG

Nilinis ng Mangaldan Quick Response Team ang kumpol ng waterlilies sa ilalim ng tulay sa Barangay Pogo bilang hakbang mula sa epekto ng Bagyong Paolo.

Kabilang pa rito ang paglilinis din sa mga kanal na plano pang palawigin sa ibang barangay na tinubuan na ng maraming waterlily.

Nakahanda rin ang grupo na rumesponde sa anumang emergency katuwang ang iba pang ahensya.

Matatandaan na ilang barangay sa Mangaldan ang nalubog din sa baha dahil sa magkakasunod na bagyo na nakaapekto sa kabuhayan ng mga residente

Kaugnay nito, posible pa ring makaranas ng pagbaha at landslide ang ilang mabababang lugar sa Pangasinan dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments