WATHER UPDATE | Binabantayang bagyong nasa labas ng PAR, posibleng pumasok bukas

Manila, Philippines – Nananatiling nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon na may international name na Maria.

Huling namataan ang bagyo sa 1,875 kilometers silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour at pagbugsong nasa 225 kilometers per hour.


Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 15 KPH.

Kapag pumasok ito sa Philippine Area of Responsilibity bukas, July 9 ay tatawagin itong bagyong ‘Gardo’.

Malabo ang posibilidad na tumama ito sa kalupaan pero palalakasin nito ang hanging habagat.

Asahan ang thunderstorms sa Metro Manila, MIMAROPA, Zambales, Bataan, Batangas at Cavite habang maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon.

May ulan ding hatid ang habagat sa Western Visayas habang asahan lamang ang isolated thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.

Facebook Comments