Wawa Dam sa Montalban na paboritong pasyalan tuwing summer, ipinasara muna

Pansalamantalang isinara sa mga turista ang Wawa Dam sa Montalban, Rizal dahil sa nagpapatuloy na military operations laban sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Kasunod ito ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at ng komunistang grupo sa Sitio Ligtas, Brgy. San Rafael.

Ayon sa Local Government Unit (LGU) ng Montalban, mananatiling sarado ang bulubunduking bahagi ng Barangay Puray, Mascap at Macabud hanggang sa masigurong ligtas na ito para puntahan ng mga tao.


Biyernes nang sumiklab ang engkwentro kung saan nasugatan ang isang sundalo hindi pa tiyak kung ilan ang namatay o nasugatan sa panig ng NPA.

Facebook Comments