WAWAKASAN | Preliminary investigation sa reklamong cyberlibel complaint laban sa Rappler, tatapusin na

Manila, Philippines – Inaasahang tatapusin ng Department of Justice (DOJ) sa susunod na buwan ang preliminary investigation tungkol sa reklamong cyberlibel complaint laban sa online news site na Rappler.

Ayon kay Senior State Prosecutor Edwin Dayog – karamihan sa mga respondent ay magsusumite ng kanilang rejoinders sa May 31.

Kabilang sa mga respondents ay sina Rappler Editor-in-Chief Maria Ressa, dating Rappler reporter Reynaldo Santos Jr., at Rappler Directors na sina Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, Glenda Gloria, James Bitanga, Felicia Atienza, at Dan Alber De Padua.


Kapag naisumite na ang lahat ng rejoinders, ang cyberlibel complaint ay magiging submitted for resolition.

Facebook Comments