WAWASAKIN | Pagsira sa mga luxury cars sasaksihang muli ni Pangulong Duterte

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsira sa mga luxury vehicles na iligal na ipinasok sa bansa.

Gagawin ang nasabing aktibidad sa Port Irene sa Sta. Ana, Cagayan mamayang hapon kung saan kabilang sa mga sisiraing mamahaling sasakyan ay Lamborghini, Mercedez Benz, BMW at iba pang sasakyan na aabot sa 277 million pesos ang halaga.

Bukod sa mga sasakyan ay mayroon ding sisiraing mga motor tulad ng Triumph, Harley Davidson at Chopper Big bikes na aabot naman sa 19.5 million pesos ang halaga.


Ito na ang ika-4 na beses na sasaksihan ni Pangulong Duterte ang pagsira ng mga mamahaling sasakyan kung saan nasaksihan na rin ng Pangulo ang pagsira ng ilang sasakyan sa Port of Manila.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ito ay para maging babala sa mga smugglers at itigil na ang kanilang iligal na gawain.
Sinabi naman ni Finance Secretary Sonny Dominguez na ipinapakita nito na seryoso si Pangulong Duterte ang kanyang buong Administrasyon sa paglaban sa smuggling sa bansa.

Facebook Comments