WBA Super Champion Thurman, hinamon ng boxing match si Pacman

Matapos manalo sa American boxer na si Adriene Broner, may naghahamon ng laban kay pambansang kamao Manny Pacquiao.

Ito ay sa katauhan ni WBA Welterweight Super Champion Keith Thurman.

Ayon kay Thurman – handa na niyang labanan si Pacman ngayong taon.


Undefeated sa loob ng 29 na laban si Thurman at mas bata ng 10 taon kay Pacquiao.

Wala pang sagot si Pacquiao pero una na niyang sinabi na handa niyang labanan ang kahit sino sa welterweight division sakaling hindi matuloy ang laban nila Floyd Mayweather Jr.

Facebook Comments