WBA Welterweight belt, matagumpay na naidepensa ni Pacman kay Broner!

Bigo ang American boxer na si Adrien “The Problem” Broner na maagaw ang WBA Welterweight belt mula kay Pambansang kamao Manny Pacquiao.

Ito ay matapos na madepensahan ng Pinoy ring icon ang kanyang titulo via unanimous decision.

Sa 7th round pa lang ng laban, pinatikim na ni Pacquiao ng kanyang trademark na left hook si Broner.


Natapos ang laban ng dalawa sa loob ng labingdalawang rounds.

Sa panayam pagkatapos ng laban, sinabi ni Pacquiao patunay ito na hindi pa patay ang karera niya sa boxing sa kabila ng kanyang edad.

Nang tanungin naman kung handa siyang makalaban muli si Floyd Mayweather Jr., handa raw siya kung magdedesisyon ang undefeated boxer na bumalik sa ring.

Mistulang hindi naman matanggap ni Broner ang naging desisyon ng laban at iginiit na natalo niya si Pacquiao.

Sa ngayon, mayroon na si Pacquiao na 61-wins, 7-loses, 2-draws.

Facebook Comments