ManilaPatuloy na tumatawid ang Low Pressure Area (LPA) sa CARAGA region at inaasahang tutumbukin ang Visayas.
Huling namataan ang LPA sa layong 235 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Mababa ang tyansa na maging isang ganap na bagyo ang lpa at inaasahang malulusaw ito sa Miyerkules.
Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa CARAGA at silang bahagi ng Visayas.
Hanging amihan naman ang nakakaapekto sa Northern Luzon kaya posibleng maranasan ang bahagyang maulap na kalangitan sa Ilocos region, Cagayan Valley at Cordillera region.
Sa Metro Manila, posibleng makaranas ng mahihinang pag-ulan na hindi naman magtatagal.
Ligtas na makakalaot ang mga mangingisda dahil walang nakataas na gale warning sa anumang baybayin sa bansa.
Maglalaro ang temperatura mula 23 hanggang 33 degrees Celsius.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
Facebook Comments