Malaki ang tiyansang maging bagyo ang namataang lpa salabas ng bansa.
Ayon sa PAGASA – ang nasabing LPA ay tinatayang papasoksa Philippine Area of Responsibility bukas, Huwebes Santo.
Sakaling magpatuloy sa iisang direksyon, maaapektuhan ng LPAang Mindanao at Eastern Visayas at tatama sa lupa sa Eastern Visayas o Bicol saSabado De Gloria at linggo ng pagkabuhay.
Samantala, patuloy na nakakaapekto ang ridge ng highpressure area sa bahagi ng Luzon habang easterlies naman ang umiiral sa bahaging Visayas at Mindanao.
Facebook Comments