Manila, Philippines – Patuloy na makakaranas ng maulang panahon sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa isang Low Pressure Area (LPA).
Huling nakita ng pagasa ang sama ng panahon sa layong 30 kilometro timog-kanluran ng Catbalogan, Samar.
Dahil dito, asahan ang maghapong pag-ulan sa CALABARZON at MIMAROPA.
Magiging maulan din sa Visayas lalo na sa kanlurang bahagi nito.
Mataas din ang posibilidad ng thunderstorm sa Ilocos Norte, Benguet, Bicol region at Metro Cebu.
Hindi naman apektado ng LPA Mindanao, pero patuloy itong makakaranas ng isolated rain shower dahil sa umiiral na easterlies.
Dito sa Metro Manila, mataas pa rin ang tyansa ng ulan sa maghapon pero, maalinsangan pa rin ang ating temperatura na maglalaro mula sa 24 hanggang 30 degrees Celsius.
Samantala, posibleng ideklara na ng pagasa ang simula ng tag-init anumang araw ngayong linggo.
Sunrise – 5:59 ng umaga
Sunset – 6:07 ng gabi
Facebook Comments