Weather Report

  Binabantayan ngayon ng PAGASA ang isang tropicaldepression sa labas ng Philippine Area of Responsibility na papalapit na sabansa.
 
  Ayon sa PAGASA, namataan ang naturang tropical depressionsa layong 1,540 kilometers east ng Mindanao.
 
  Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 45kilometers per hour at pagbugso na 60 kph.
 
  Pero ayon sa PAGASA, sa ngayon ay wala pa itong magigingdirektang epekto sa bansa.
 
  Kasalukuyang gumagalaw ang tropical depression sadireksyong west-Northwest papalapit sa PAR.
 
  Inaasahang papasok ito sa loob ng teritoryo ng bansamamayang gabi.
 
  Sakaling pumasok sa bansa, papangalanan itong bagyong Dante.
 

Facebook Comments